|
 |
|
Wednesday, August 08, 2007
Globalisasyon, sangayon ka ba? (Aug. 08 ‘07)
May tnanong ang kaklase ko sakin. Tinanong niya ang tinanong ng prof naming. Sabi niya kung sangayon ba ko sa globalisasyon.
Sinabi ko ng walang pagaalinlangan na hindi pa handa ang Pilipino. Ayon sa pinagaralan naming dati, ito ay pagadvance ng teknolohiya at pagtanggap sa ibang business ng ibang bansa. Ibig sabihin kung papapasukin natin ang globalisasyon ng malugod sa bansa nangangahulugang kailangan nating maghanda sa paginvade ng ibang bansa sa ating bansa.
Mantakin mo, magkakaron ng karagdagang impluwensya sa “colonial mentality” ng pinas. Mas mahihirapan tayong abutin ang ideal na bansa, hanggang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ang mga pinoy, walang dahilan ang globalisayon dito sa ating bansa hanggat di natin alam kung may patutunguhan ba tayo.
Posted at 02:04 pm by tinay_gaga
Permalink
Friday, August 03, 2007
An open wound.. (post for: aug. 03 '07)
Bakit ganun? Etong mga lumipas na araw, masyado akong naging emosyonal sa isip.. kapag may napapanood akong nakakalungkot o kapag may naiisip ako, di ko maiwasang maging malambot at maiyak iyak. Mas nagiging sensitive ako ngayon at hindi ko alam kung anong dahilan…
Kagabi, pinagusapan namin ni special someone yung pinagkwentuhan nila ng utol niya. Naiinis ako dahil yung mga bagay na din a kelangan sabihin ay binaggit niya. Naiinis ako dahil ayokong maalala na minsan nasabi ko ang mga bagay na yun o nagawa ko yung mga bagay nay un. May dagdag bawas pa siya. Sabi ko nga sa kanya na hindi siya pwede maging writer dahil ine-edit nya ang mga linyang di naman nanggaling sa kaniya.sinabi ko rin na pang-tsimis lang ang ginagawa niya.
Bumalik tayo sa pinagusapan ng utol niya. Habang kausap niya ko sa cellphone, pinipigilan ko ang sarili kong maiyak. Naiinis ako dahil nakita niya ang soft side ng pagkatao ko na pilit kong tinatago sa ibang tao. Napagusapan daw nila ang tungkol sa pagiging hiwalay ng nagbigay buhay at hininga sakin.
Oo tama, totoong mukha akong pera na hindi ko matanggihan ang binibigay sakin kapalit ng pagmamahal. Pero hindi ko pa rin maiaalis na mas namamayani ang nararamdaman ko. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may kanya kanyang kahinaan. Lahat ng nasa mundo ay balance. Yin-yang (yun yung pinagayahan ng logo ng sugo na gawa ng GMA, kung familiar kayo).
Kaya ayun, habang nagiisip ako ng susunod kong sasabihin, nalulungkot ako dahil naiisip ko na iniisip ng iba na kayang tapatan ng simpleng bagay ang pusong naghahanap ng totoong mararamdaman at magpaparamdam nito.
Masaya nga ako dahil nakakatanggap ako ng mga hinihingi ko, o mga luho. Pero syempre makukumpleto lang pagkatao ko kung maghihilom kahit konti ang sugat na simula pagkabata ay matagal nang nakabukas.
Posted at 02:03 pm by tinay_gaga
Permalink
Thursday, August 02, 2007
ang ideya ay starbucks(Agosto 2, 2007)
bad trip na buhay to.. habang binabasa ko ng paulit ulit ang libro ni bob ong mas nahahapet akong bumili ng bagong libro.. out na kasi ang pangliman libro niya "MAC ART HUR".. gusto ko rin bumili ng mga nawala sakin na libro niya.. pakiramdam ko may kumuha.. o di kaya natuwa at pinang patay nalang ng ipis o lamok.. naaalala ko tuloy si special someone ko, dahil kanina inantay niya ko ng tatlong oras sa labas ng room [kung alam niyo ang init dito sa pinas malamang maaawa kayo sa kaniya] at binabasa niya ang "bakit baliktad magbasa ang mga pilipino", pagkalabas ko ng classroom sinabi niya na astig talaga si bob ong hanggang sa paguwi namin dito sa bahay.. isinulat pa niya at pinabasa niya sakin ang tungkol sa taong tumatambay sa starbucks, kung gano sila katalino para lang ipakita na paSOSYAL sila.. aaminin ko, hindi kami elitista hindi din kami jologs. kung dalawa lang ang mamamayan dito sa pilipinas, tiyak wala kami doon. dahil maraming uri ng mamamayan at ang nagsasabing dalawa lang ang uri dito ay tumitingin ng mababa sa ating bansa. siyang tunay ayon sa aking pananaw [note: paalala, ito ay aking blog at ito ay aking isipan hindi lingid sa aking kaalaman na meron tayong ibat ibang pananaw o opinion sa bawat usapin o ideya], hinahati ng mapagmataas ang pilipinas para sila ang makinabang, crab mentality baga. gusto nito panatilihin na mababa ang mababa para makinabang ang nakatataas. nakakadismaya diba? tama ang sabi ni bob ong "TAYO MISMO" ang problema. kaya naman natin solusyunan ang cancer ng bansa, kung kaya rin nating magsimula lahat sa pinakasimula muli. TAYONG LAHAT, WALANG MATAAS AT MABABA.. di natin kaya magtulungan kung may negatibong pagiisip ang bawat isa sa kapwa.. lahat tayo ay PILIPINO. bakit nga ba kelangan pang hatiin sa dalawa e iisa lang naman ang katawagan sa atin.. "PINOY"
Posted at 02:02 pm by tinay_gaga
Permalink
Friday, July 20, 2007
kapalarang di magawan ng lunas
kapalarang di magawan ng lunas.. (hul. 20, 2007)
nakakainis isipin na wala akong magawa kundi tumunganga at panoorin ka.
pakiramdam ko parang wala akong pakinabang nakikita na kitang gumagapang andito ako't parang wala lang.
sana sa simpleng paraan nakikita mo naman ang pagdamay ko sayo at pagmamahal kong tapat.
Posted at 02:01 pm by tinay_gaga
Permalink
Friday, July 13, 2007
GISING NA PAGASA
ni Cherrie Relos
Gising na bata,
Sa tagal ng pananahimik sa mundo,
Nanatili kang nakatikom,
Nanonood ng gulo.
Gisingin na ang isip,
Sa matagal na pagkakahimbing,
Sa kumot mong namamaluktot,
Unatin na't humayo.
Gising na kaligtasan,
Buhay' sagipin sa kamatayan,
Ikaw ang nilalang,
Nilikha ng may kapal.
Tumayo't itaas,
Ang natitirang kakayahanan,
Kahit di pa gamay,
Tiyak ika'y makakalaban.
Gising na murang isipan,
Payabungin ang karapatan,
Huwag mong hayaan,
Makasarili ay yumaman.
Gising na bata,
Ikaw pa rin ang pagasa,
Huwag lamang magpalinlang,
Sa paa mong nais lumipad sa alap.
Gisingin na ang isip,
At huwag magpaapi,
Sa mananakop mong hudas,
Sa lumalapa ng iyong pagiisip.
Ikaw pa rin at wala nang iba,
Ang tanging pagasa ng lupa,
Mahalin mo ang kapwa,
Sarili mo'y isalba.
Sa maraming taong kahinaan,
Di ka pa ba aapila?
Huwag kang matakot sa kanila,
Dahil na sayo ang pagasa.
Posted at 01:56 pm by tinay_gaga
Permalink
|
|
|