maswerte pa rin tayo.. siguro..
nakakainis! dati hinihiling ko na sana umulan para lumamig naman.. mainit kasi sa kwarto ko kapag taginit.. e, di ko naman inaasahan na sa sobrang lakas ng ulan tutulo ng sobra sa kwarto ko.. wala nga akong mapagpwestuhan ng gamit ko e.. nakakainis.. pakiramdam ko tuloy na nasayang lang yung perang ipinagpagawa dun.. halos di nako matulog para lang mapunasan yung mga tulo dun.. kala ko pa naman meron nakong matatawag na "my place" kaso hindi pala.. nanghihinayang ako sa pera.. kung hindi kasi nakialam si tatay, edi sana maayos ngayon yung kwarto ko.. delubyo pa inabot ko.. kulang ako sa tulog, nagaalala ako na baka mabasa yung gamit ko,..
naalala ko tuloy yung sinabi ng special someone ko..
sabi niya "maswuerte pa rin tayo".
dahil nakwento ko sa kanya yung kwinento ng prof namin tungkol sa isang place na kung saan yung mga bata naglalakad papunta sa school nila na may dala dalang bato.. nacurious yung researcher kaya sinundan niya.. sa table ng mga bata, nakita niyang kinakaskas nila yung bato sa ibat ibang direksyon.. out of curiosity, he asked one student kung para saan yun, sabi ng studyante, nagpapraktis daw sila gumamit ng mouse (sa computer).. may computer naman sila, pero sagrado ito.. umaga't gabi may nagbabantay ng computer nila, take note, nasa cabinet yung computer at naka-lock ito.. nagmistulang disenyo yung computer at hindi ito pinapahawakan at pinapagamit kahit kanino. matatanaw mo lang yung itsura niya dahil glass ang ang pinto nito. dinonate daw yun sa kanila. nagiisa lang yung computer na yun. kaya iniingatan daw nila..
Posted at 10:17 am by tinay_gaga